So totoo nga ang una kong post na hehelera siya sa roster of the best.
Hindi ako nagpapamassage sa binti ever kasi masakit talaga pero dahil sa kanya nagka tiwala na ulit ako haha
When i say moderate lang… nagagawa niya, ina adjust siya yung pressure
Yun ang term, pressure… magaling siya mag adjus sa kung ano requirements ni client.
Mukhang may bagong mukha ako na babalik balikan sa @RedPhoenixSpa
Eto nga siyempre hindi ko kaya mag weekend spa tour kaya lunes na lunes balik ako para kay Migs
Ni recommend sa akin ng ating kaibigan na si Tito Thirdie @t2thirdie
Nung una nag aalinlangan ako kasi hard massage daw siya …
Pero mas malakas ang instinct ko na it try talaga siya habang bago pa…
And Viola hindi ako na disappoint sa kanya
Bukod sa magalang, mabait at magaling siya.
THERAPIST DAVE
@CalinogJan
Pressure:
Isa talaga si Dave sa go-to ko kapag gusto kong “magpabugbog” dahil hard kung hard talaga ang pressure niya. Ako na lang talaga ‘yung susuko at magre-request ng "medyo bawasan" pero in a good way.
Skills:
Ramdam na ramdam mo sa bawat hagod na sanay na sanay siya. Alam niya kung saan ang mga dapat tutukan. Panalo rin siya sa stretching part — parang na-reset yung buong katawan ko after.
Personality:
Daddy vibes. Madaldal siya pag feel kong may kausap, pero ang galing din niyang makiramdam. Pag napansin niyang gusto ko ng tahimik, tatahimik din siya agad para ma-match yung mood ko. Magalang din at maasikaso.
Note to self:
Isa sa paborito ko sa @RedPhoenixSpa. Babalik-balikan ko talaga. Perfect for days na pagod na pagod yung katawan ko at kailangan ng matinding healing.
Na-curious ulit ako kaya tinry ko isa-isa ang massage therapists ng Red Phoenix Spa (RPS).
Una akong napadpad dito noong late 2022. Kilala pa sila noon as Golden Phoenix Spa (GPS) Mindanao Avenue branch. And since then, binalik-balikan ko na sila dahil legit na magagaling ang mga thera, mababait ang staff, at super relaxing ang vibes ng spa.
Personal review thread ko lang sana ‘to pero share ko na rin at baka makatulong din sa inyo.
Take note na walang ranking o rating dito ha. Just my personal notes on who's good for what.
Save this for your next self-care day. 🧵
📸 @RedPhoenixSpa
Sugod agad kay Therapist Migs (@rps_migs) kasi first day niya today sa @RedPhoenixSpa (RPS)!
Quick backstory:
RPS, formerly GPS, has been my home spa for years now. May reputation na sila sa akin — basta thera nila, magagaling lalo na sa combi massage. Karamihan nga ng mga top thera ngayon sa ibang spa, produkto nila eh. Kaya alam mo na kung gaano kaganda ang training nila.
So, how's Migs?
For a newbie, he’s really promising!
Solid na agad ang technique. Magaan ang kamay pero alam ‘yung tamang pressure and pacing. Hindi nagmamadali. Professional and calm ‘yung energy sa room. You can tell na well-trained siya — produkto talaga ng RPS/GPS.
Hindi pa siya "master level" pero ‘yung foundation nandun na. With more hours and experience, I can totally see him becoming one of RPS’s top theras in the future.
If you’re looking to try someone new and you don’t mind helping a new thera grow, book Migs. Early pa lang pero solid na. You won’t regret it.
FIRST DAY! 🎉
Duty na po ako sa @RedPhoenixSpa starting today, August 1st.
Sana po masubukan n’yo ang masahe ko. Sisiguraduhin ko pong mare-relax kayo. 😉
FIRST DAY! 🎉
Duty na po ako sa @RedPhoenixSpa starting today, August 1st.
Sana po masubukan n’yo ang masahe ko. Sisiguraduhin ko pong mare-relax kayo. 😉
THERAPIST MJ
Pressure:
Iba rin talaga yung hard pressure ni MJ! Durog kung durog yung lamig at pagod sa katawan pag siya ‘yung humawak. Pero kayang-kaya rin naman niya mag-adjust depende sa trip kong pressure.
Skills:
Ramdam na ramdam sa bawat galaw niya ang years of experience niya. Batikan na siya sa larangan ng pagmamasahe kaya naman ang smooth lang ng transitions niya from hagod to diin to stretching. Wala kang mararamdamang trial and error — diretso na agad sa mga dapat tutukan.
Personality:
Daddy vibes din siya na malambing and sobrang maasikaso. Masarap siyang kausap, kaya pag gusto ko ng chika while nagpapa-massage, siya yung hinahanap ko. Pero gets din niya agad pag gusto ko na lang magpahinga at tumahimik na lang.
Note to self:
Babalik-balikan ko talaga si MJ lalo na after ng mga araw na sobrang pagod ako sa pagmo-motor. Perfect siya for full body reset. One of my comfort therapists sa @RedPhoenixSpa for sure.
THERAPIST DARWIN
Pressure:
Saktong pressure si Darwin — ‘yung tipong hahanap-hanapin ng katawan mo. Hindi siya pang "bugbog" pero sobrang sarap sa muscles. Yung relaxing kind of diin na nakakatanggal ng stress.
Skills:
Panalo rin yung expertise niya sa routine.
Consistent yung hagod at kabisadong-kabisado na niya ang kailangan ng katawan ko. Walang bitin, walang minadali - sakto lang lahat.
Personality:
Madaldal talaga si Darwin and match kami.Pero binigyan pa rin naman niya ko ng quiet time during the session. Maalaga at maasikaso rin siya.
Note to self:
Ibu-book ko si Darwin pag gusto ko ng parang tropa time at relaxation at the same time. ‘Yung massage na may kasamang kwentuhan. Perfect for days na kailangan ko ng kausap habang nagpapahinga.
THERAPIST RONEL
@rps_ronel
Pressure:
Sobrang panalo ng pressure ni Ronel. Tamang timpla talaga. Hindi sobrang sakit, hindi rin sobrang banayad. Yung tipong pag gising mo kinabukasan, ang gaan lang ng pakiramdam.
Skills:
6 months pa lang daw siya sa @RedPhoenixSpa pero swear, parang taon na ‘yung experience niya! Ang galing ng control niya sa lakas at bilis ng hagod. Panalo rin ang mga paandar niya sa stretching! Halatang nag-aaral at siniseryoso niya yung craft niya.
Personality:
Hindi ko siya masyadong kinibo kasi mas gusto ko lang namnamin yung sarap ng bawat hagod niya. Pero nung nagkausap na kami during head massage, sobrang gaan din pala ng personality niya. Isa siya sa pinaka-maasikaso na na-try ko — mula sa pagche-check kung okay lang ang pressure hanggang sa pagpupunas ng oil sa katawan ko pagkatapos ng masahe.
Note to self:
Instant favorite ko siya after ng first session namin. Perfect siya pag gusto ko ng quality massage na balanced. Sulit ang bawat minuto sa kanya. Definitely nasa top rebook list ko na siya.
THERAPIST IAN
@Ian77741
Pressure:
Sakto ang pressure ni Ian — walang aray. ‘Yung tipong therapeutic na nakaka-relax, hindi nakaka-bugbog. Perfect siya pag gusto ko lang gumaan yung katawan without the drama.
Skills:
Sobrang seryoso niya sa routine. Ramdam mong inaral talaga niya ang bawat galaw. Smooth ‘yung flow from start to finish. Hindi rin halatang baguhan pa lang kasi ang confident niya at maayos ang technique niya.
Personality:
Seryoso siya sa simula kaya ang professional ng vibe. Pero once nagkapakiramdaman na kami, chill na rin siya. Isa siya sa pinakatahimik na na-try ko — perfect for introvert days. Sa labas ng massage room, isa siya sa pinaka-palangiti sa @RedPhoenixSpa.
Note to self:
Ibu-book ko siya pag gusto ko lang ng quiet na relaxation. No chika, no pressure to talk. Just me, the massage, and peace. Go-to ko siya for mental reset days.
THERAPIST ANTHONY
@SanjuanAnt52954
Pressure:
Wag kayong magpapabudol sa height ni Anthony kasi kaya-kaya niyang ibigay yung diin na hinahanap at kailangan ng katawan mo. Nasa "masakit pero masarap" zone siya — ‘yung tipong mapapangiwi ka pero magpapasalamat ka after.
Skills:
Medyo baguhan pa lang din siya sa @RedPhoenixSpa pero sobrang pasado na ng skills. Nagpakitang-gilas talaga sa hagod at sa paghanap ng mga tension points. Ramdam mong pinag-aralan at sineryoso niya yung training.
Personality:
Baby boy energy si Anthony. Tititigan mo na lang sa sobrang cute. Pero hindi lang puro cuteness — masarap din siyang kausap. Magaan ‘yung vibe, kaya kahit matindi yung pressure, chill pa rin yung mood.
Note to self:
Perfect siya for days na gusto ko ng hard pressure pero ayaw ko ng mabigat na atmosphere. Hard massage, chill feels. Panalo.