Panginoong gabay ng aming buhay, Ikaw na ilaw ng aming bawat paglalakbay: patahanin Mo ang mga puso ng mga nalulumbay at ingatan Mo ang mga naliligaw sa kanilang buhay. Gabayan Mo silang pauwi, ligtas at matiwasay, sa yakap ng kanilang mga mahal sa buhay.
O Papa Dionisio, Ikaw ang bukal ng buhay, sanhi ng aming galak at tuwa, sisidlan ng aming lakas at ligaya. Puspos Ka ng kapangyarihan at kabutihan, mahalimuyak ang Iyong pagdating sa aming bayan. Ikaw na pumapawi sa aming lungkot, kaawaan Mo ang lahat ng kaluluwa.
Sa araw na ito at sa araw-araw ng aking buhay, nawa’y makita ko ang dapat kong makita, marinig ang dapat marinig, mawika ang dapat mawika, at gawin ang dapat gawin.
Kung saan man ako nagkulang sa aking mga salita, Panginoon, punuin Mo ng matamis Mong dila, Ikaw na Tagapamalita ng mga diwata dito sa lupa, Panginoon ng lahat ng wika.
Alay ko sa Iyo, Panginoon, ang aking buong katapatan sa pangakong ako’t mag-anak ko’y Iyong palaging susubaybayan, iingatan at pangangalagan. Ikaw na nagdudulot sa aming puso ng ligaya at tuwang hindi matatawaran ng anumang halaga dito sa lupa. 💖
Panginoon, pumarito Ka sa aming tabi, gabayan kami sa aming paglalakbay: saan man kami magtungo, saan man kami magpunta, saan man kami dalhin ng aming mga paa — sa himpapawid man ✈️🚁 sa dagat 🚢🛶⛵️ o sa lupa 🦶🚲🚂🚘 pakaingatan Mo po kami, mahal naming diwata.
Magkapatid na Diwata, Panginoon ng aming yaman, ng aming galak at tuwa, ng aming kalusugan at kasaganahan: ibaling Niyo sa amin ang Inyong mukhang mapagpala’t mapagbiyaya.
Panginoon kong Diyos, gabay at patnubay ng aming buhay, ingatan Mo kami sa araw-araw naming paglalakbay. Ingatan Mo ang aming daan, ang aming paghabi sa aming mga kapalaran. Itawid Mo kami nang matiwasay sa aming mga lakarin, nang walang maging hadlang sa aming mga tungkulin.
Ina ng Malasakit, Ikaw na tagapakinig sa mga daing ng mga pusong naghihirap, aming ipinagkakatiwala ang mga kaluluwang yumao sa Iyong mga kamay. Nawa'y Iyong patnubayan ang kanilang mga kaluluwa sa kanilang paglalakbay patungo sa liwanag ng Iyong puso. 🪷
Mahal naming Haring Buwan, sa Iyong taglay na kagandahan at kapangyarihan, nawa’y bigyan Mo kami ng lakas at pag-asa upang harapin ang mga hamon ng buhay. Nawa'y maging mapayapa at masagana ang aming mga araw at gabi, at patuloy Kang magbigay ng liwanag sa aming puso at kaluluwa.
@akustikboy Filipino here with East Med ancestry. All cultures are “mixed”, everybody borrows from everyone, but that’s not what this is about. Modern Greeks also share a long history with colonisation and foreign rule, same as Filipinos. There are plenty of parallels.