Lord, itinataas po namin sa Inyo ang lahat ng mga taong dumaraan sa financial challenges. Maraming nagkakaroon ng anxiety at depression dahil sa patong-patong nilang utang at mga bayarin sa pang araw-araw. Hawakan Niyo ang kanilang mga kamay at pagpalain sila nang sagana. Bigyan Niyo rin sila ng tamang kaalaman sa pag-handle ng kanilang pera. Lagi Niyong ipaalala sa kanila ang pinaka-importanteng aral sa kasaganahan - na kami ay Inyong binibigyan upang makapagbigay din sa iba at hindi lang sarilinin ang biyayang natatanggap namin. Nawa’y maging mabuti kaming katiwala ng mga pagpapalang ipinagkakaloob Niyo sa amin. Alam namin na kasama namin Kayo at hinding-hindi Niyo kami pababayaan sa buhay. Amen.