“NGAYON MO SABIHIN ANG MOVE ON”
Binanatan ni retired Brigadier General Orlando de Leon si Sen. Erwin Tulfo kasabay ng matinding pagbaha sa Metro Manila nitong Lunes, Agosto 17.
“Ikaw Tulfo, ngayon mo sabihin ang move on. Anim*l ka,” ani De Leon habang ibinabahagi ang ulat sa pagbaha sa Balintawak.
Sa isa pang post, sinabi niya: “Hanapin nyo nga si Erwin Erich Sylvester Tulfo sa gitna ng baha. Yes, yung Bendalo Tulfo.”
Kalakip naman ng isa pa niyang post ang panalangin ng isang netizen para sa mga nasalanta, sabay matinding banat ni De Leon sa mga kinauukulan:
“Ito ay bunga ng kahayupan ng mga magnanakaw na mga congressman, opisyales ng gobyerno at ng kagagaguhan ng presidente mismo. Yung bwisit na Tulfo, punta kayo sa lugar na yan. Mga animal!”
Wala pang tugon si Sen. Erwin Tulfo sa mga pahayag ni General De Leon.
“PEDE MANALO SI RISA”
Ito ang naging reaksyon ni political analyst Atty. Edward Chico sa Facebook kasunod ng paglabas ng pinakabagong Pulse Asia “Ulat ng Bayan” survey para sa 2028 presidential preference.
“Feeling ko pede manalo si Risa sa pagka-Presidente. Basta ang kalaban nya si Ka Leody! 😂” ani Chico.
Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 6, 2026 sa 2,400 respondents sa buong bansa, nanguna si Vice President Sara Duterte na may 49%, sinundan ni dating Vice President Leni Robredo na may 26%, habang pumangatlo si Sen. Raffy Tulfo na may 14%.
Kasunod nila sina Public Works Secretary Vince Dizon at Baguio City Mayor Benjie Magalong na kapwa may 1%, habang si MMDA General Manager Nicolas “Nic” Torre III ay may 0.1%. Si Sen. Risa Hontiveros naman ay nakakuha ng 0.01% sa long-list presidential preference survey.
Hindi tahasang binanggit ni Chico ang survey sa kanyang post. Gayunman, marami ang nag-ugnay sa kanyang biro sa mababang porsiyentong nakuha ni Hontiveros sa naturang presidential preference poll.
Si Ka Leody de Guzman naman ay hindi kabilang sa mga kandidatong nakakuha ng porsiyento sa long-list results ng survey.
Hindi daw “Mini Trial” ang hearing ng HoR Committee on Justice. Kayo naman. 😁😆😅🤣😂👊🏼
Mini bloodbath? Luistro says 'hearing proper' on VP Sara impeachment a '... https://t.co/Twnzy87CUu via @YouTube
PING, NANGANGALAP NA UMANO NG MGA TESTIGO AT EBIDENSYA LABAN KAY SEN. CAYETANO UPANG MASIGURONG MAKULONG ITO
Ibinida ni Sen. Ping Lacson na nangangalap na siya ng mga testigo, at ebidensya upang makabuo aniya ng kaso laban kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Lacson, handa umano ang mga ito na magbigay ng impormasyon at ebidensya upang mapanagot si Sen. Cayetano.
“As of this morning, I’m still counting informants and witnesses, directly or through intermediaries, willing to provide information and evidence to put him in his proper place — the Payatas, QC jail.”
Binigyang-diin din ni Lacson na ipagtatanggol niya ang kanyang integridad matapos umano siyang atakihin ni Cayetano.
Nauna rito, kinuwestiyon ni Sen. Cayetano ang paglaki ng net worth ni Lacson at inakusahan ang administrasyon ng paggamit umano ng “Kuyog, Kaso, Kulong” (KKK) laban sa mga kritiko.
Bilang tugon, muling inakusahan ni Lacson si Cayetano ng umano’y ₱6.79 bilyong budget insertions at iba pang iregularidad, na mariin namang itinatanggi ng senador.
“BASTA KAAWAY NILA, IKUKULONG NILA’
Iginiit ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ginagamit umano ang mga kasong kriminal laban sa mga kritiko ng administrasyon.
Sa Facebook Live nitong Sabado, iginiit ni Cayetano:
“Dumating na ang panahon na basta kaaway nila, ikukulong nila.”
Inulit din niya ang umano’y “KKK” o “Kuyog, Kaso, Kulong” na aniya’y ginagamit laban sa mga hindi kaalyado sa politika.
Ayon pa kay Cayetano, maituturing umanong “political prisoners” sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Rodante Marcoleta, at dating congressman Mike Defensor.
“They are political prisoners. Kinulong sila hindi dahil sa kaso kundi sa konsensya nila. We weaponize ang DOJ, ang Office of the Ombudsman, not for justice, pero dun sa political ends.”
Lumabas ang pahayag ilang araw matapos ipahayag ng NBI ang pagbuo ng task force upang siyasatin ang mga alegasyon ng iregularidad sa 2019 SEA Games, na pinangasiwaan noon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano. Sa kasalukuyan, wala pang pormal na kasong isinampa laban sa senador kaugnay ng naturang imbestigasyon.
Samantala, sina Marcoleta, Estrada, at Defensor ay nahaharap sa magkakahiwalay na legal na usapin.
Itinatanggi naman ng mga kinauukulang ahensya noon na ginagamit ang proseso ng batas para sa pamumulitika.
“HINDI MASYADO AFFECTED YUNG MGA PULITIKO”
Ito ang reaksyon ng political analyst na si Atty. Edward Chico tungkol sa AI-generated video ng China Daily na umani ng batikos dahil sa umano’y paglalarawan sa mga Pilipino bilang mga unggoy.
Sa kanyang social media post, iginiit ni Chico:
“Hindi masyado affected yung mga pulitiko sa isyu ng pagtawag ng ‘unggoy’ sa mga Filipino. Ano kasi sila… ‘buwaya!’ 😂”
BARZAGA, BINIRA ANG “BALYENA” ANALOGY NI RIDON SA IMPEACHMENT TRIAL
Nagbigay ng reaksyon si dating Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa naging pahayag ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kaugnay ng hiling ng prosekusyon na ma-subpoena ang financial records ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang social media post, kinuwestiyon ni Barzaga ang paggamit ni Ridon ng salitang “balyena” bilang tugon sa akusasyong isa lamang umanong “fishing expedition” ang kanilang hakbang.
Ayon kay Barzaga:
“Sino ba ang legal advisor ni Terry Ridon? Pakisabi sa kanya na hindi ‘Fish’ ang 🐋 Balyena 🐋, ‘Mammal’ yun, walang connect sa Fishing Expedition nila sa Impeachment Court.”
Ang pahayag ni Barzaga ay tugon sa naging depensa ni Ridon laban sa akusasyon ng kampo ni VP Sara na ang paghiling ng prosekusyon sa bank, tax, at AMLC records ng Bise Presidente ay isa lamang “fishing expedition.”
Nauna nang sinabi ni Ridon:
“Mula umpisa hanggang sa puntong ito, ang posisyon po ng depensa ay, ‘This is a mere fishing expedition.’ Ang totoo ho, wala pong fishing expedition kung balyena ang nahanap.”
“SA TANDA MONG YAN, MARCOS KA PA RIN?”
Ito ang reaksyon ni dating Comelec at COA Commissioner Atty. Rowena Guanzon matapos batikusin ni actress at Miss Universe 1969 Gloria Diaz si Senadora Pia Cayetano dahil sa aniya’y nakakairitang boses.
Sa isang pahayag, iginiit ni Gloria Diaz:
“You are KSP! (Pia Cayetano) Your voice is irritating, grabe dapat ikulong itong taong ito! Madrama! Ugh.”
Hindi ito pinalampas ni Atty. Guanzon, sa kanyang social media post, bumwelta laban kay Diaz:
“If you attack Senator Pia Cayetano based on her bad performance as a senator, that’s fair.”
“But if you attack her because of her personal attributes, voice or personality, that’s foul.”
Ipinunto rin niya ang mga kredensyal ni Cayetano:
“Akala mo naman kung sino kayong matatalino at maganda. UP Law si Senator Pia Cayetano, cum laude sa BS Economics (UP), triathlete, president of Padel federation. Kayo ano kayo? Abogada ba kayo?”
“LAOS na kayo! Kung ayaw n’yo na malait, huwag kayong manglait.”
Dagdag pa niya:
“Gloria Diaz, mag senador o abogada ka muna bago ka manglait ng boses ni Sen. Pia Cayetano. Sa tanda mong ’yan Marcos ka pa rin?”
Wasn't the planning, bidding, and execution of the ₱10 billion New Clark City project all done under Vince Dizon while he was serving as President and CEO of BCDA?
We all know Vince Dizon is a loyal lapdog of BBM, so it can't possibly be him.
Matibag is lying.
CHUA WAG KANG KUPAL 🤣😂 MAY SECURITY KAYONG MGA KONGRESISTA..
GAGAWIN MO PA DAHILAN PAG MUMURA NI VP SARA EH KARAPAT DAPAT KA NAMAN MURAHIN!!!
TANGAAA NA LANG MANINIWLA SA IYO WALA KANG SECURITY DAHIL KAHIT ANG MAYOR MERON DIN.